EasyManua.ls Logo

Nokia TA-1480 - Impormasyon Sa Baterya at Charger

Nokia TA-1480
29 pages
To Next Page IconTo Next Page
To Next Page IconTo Next Page
To Previous Page IconTo Previous Page
To Previous Page IconTo Previous Page
Loading...
Nokia 2660 Flip User Guide
IMPORMASYON SA BATERYA AT CHARGER
Impormasyon sa baterya at charger
Para makita kung naaalis o hindi naaalis ang baterya ng iyong telepono, tingnan ang naka-print
na gabay.
Mga device na may naaalis na baterya Ang orihinal na nare-recharge na baterya lang ang dapat
mong gamitin sa iyong device. Maaaring ma-charge at ma-discharge ang baterya nang daan-
daang beses, pero masisira rin ito sa paglipas ng panahon. Kapag ang mga oras ng pakikipag-
usap at standby ay kapansin-pansing mas maikli sa karaniwan, palitan ang baterya.
Mga device na may hindi naaalis na baterya Huwag subukang alisin ang baterya, dahil baka
masira mo ang device. Maaaring i-charge at ma-discharge ang baterya nang daan-daang
beses, pero masisira din ito sa paglipas ng panahon. Kapag ang mga oras sa pakikipag-usap
at standby ay kapansin-pansing mas maikli kaysa sa karaniwan, para palitan ang baterya, dalhin
ang device sa pinakamalapit na awtorisadong pasilidad ng serbisyo.
I-charge ang device mo gamit ang compatible na charger. Maaaring mag-iba-iba ang uri ng plug
ng charger. Maaaring mag-iba-iba ang tagal ng pag-charge depende sa kakayahan ng device.
Impormasyong pangkaligtasan sa baterya at charger
Sa sandaling matapos ang pag-charge ng iyong device, alisin ang charger mula sa
pagkakasaksak sa device at saksakan. Pakitandaang hindi dapat lalampas sa 12 oras ang tuluy-
tuloy na pag-charge. Kung iiwang hindi ginagamit, mauubos ang charge ng isang naka-full
charge na baterya sa paglipas ng panahon.
Nababawasan ng labis na temperatura ang kapasidad at itatagal ng baterya. Palaging
panatilihin ang baterya sa pagitan ng 15°C at 25°C (59°F at 77°F) para sa pinakamagandang
performance. Maaaring pansamantalang hindi gumana ang isang device na may mainit o
malamig na baterya. Tandaan na maaaring maubos nang mabilis ang baterya sa malalamig na
temperatura at maaari itong mawalan ng sapat na power para ma-off ang telepono sa loob ng
ilang minuto. Kapag nasa labas ka sa malalamig na temperatura, panatilihing mainit ang iyong
telepono.
Sumunod sa mga lokal na regulasyon. Mag-recycle kapag posible. Huwag itapon bilang basura
sa bahay.
Huwag ilantad ang baterya sa napakababang air pressure o iwanan ito sa napakainit na
temperatura, halimbawa, itapon ito sa apoy, dahil posible itong magsanhi ng pagsabog o
pagtagas ng nagliliyab na likido o gas ng baterya.
Huwag kalasin, gupitin, durugin, baliin, tusukin, o kung hindi ay sirain ang baterya sa anumang
paraan. Kung tatagas ang isang baterya, huwag hayaang madikit ang likido sa balat o mga
mata. Kung mangyari ito, agad na hugasan ang mga apektadong bahagi ng tubig, o humingi
ng tulong medikal. Huwag baguhin, subukang magpasok ng mga ligaw na bagay sa baterya,
o ilubog o ilantad ito sa tubig o iba pang mga likido. Maaari sumabog ang mga baterya kung
masira.
© 2023 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan. 24

Other manuals for Nokia TA-1480

Related product manuals