054
BACK TO INDEX
WILLEN - FULL ONLINE MANUAL
+
1 2
STACK MODE WIKANG FILIPINO
1
2
Magkonekta ng dalawa o higit pang Willen speaker sa isang Stack ses-
sion para sa mas malaking tunog. Mag-play ng kahit ano sa pangunahing
speaker at magpe-play nang naka-sync ang lahat ng speaker sa session.
Puwede mong i-adjust ang volume sa alinmang indibidwal na speaker para
sa perpektong balanse.
PANGUNAHING SPEAKER
Pindutin nang tatlong beses ang button ng Bluetooth para simulan o
tapusin ang Stack session. Magsisimulang kumislap-kislap ang LED
hanggang sa may sumaling anumang speaker sa session.
KARAGDAGANG SPEAKER
Pindutin nang dalawang beses ang button ng Bluetooth sa anumang
speaker na gusto mong idagdag sa session. Magsisimulang kumislap
ang LED hanggang sa makasali ang speaker sa session. Habang nasa
session, madidiskonekta ang speaker sa anumang dating kinonek-
tahang audio device at susubukan nitong kumonekta ulit pagkatapos
ng session.
Para mag-alis ng speaker sa session, pindutin nang dalawang beses
ang button ng Bluetooth sa speaker na iyon.